Bagong PNP chief nanumpa kay PNoy
MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules ang oath-taking ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez.
Kasamang nanumpa ni Marquez kay Aquino sa Malacañang ang 49 pang opisyal ng PNP.
Pinalitan ni Marquez si dating acting PNP Chief Leonardo Espina na sumalo sa nabakanteng pwesto ni Alan Purisima na nagbitiw sa puwesto.
Nauna nang hinamon ni Aquino si Marquez na tiyaking mapanatili ang kapayapaan ng darating na eleksyon.
Inutusan din niya si Marquez na “tanggalin, parusahan ang mga baluktot; at gantimpalaan naman ang tuwid para lalo pa silang magpakitang-gilas sa serbisyo."
- Latest