Bohol niyanig ng 4.2 lindol
MANILA, Philippines – Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Bohol kahapon ng alas 4:19 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang ugat ng naturang lindol na naramdaman ang lakas sa Intensity 4 sa Cortes, Maribojoc at Antequera, Bohol; Intensity 3 sa Tagbilaran City; Loon; Balilihan; San Isidro; Corella; Sikatuna at Loboc, Bohol gayundin sa Tagbilaran City.
Intensity 2 naman sa Tubigon; Alburquerque Bohol; Argao at Sibonga, Cebu at intensity I sa Cebu City
Wala namang naiulat na damage at wala ring inaasahang aftershocks.
- Latest