^

Bansa

Biyahe ng PNR nanatiling limitado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanatiling limitado mula sa Tutuban station sa Tondo Maynila hanggang sa Alabang station sa Muntinlupa City, ang biyahe ng Philippine National Railway (PNR).

Ayon sa tagapagsalita ng PNR na si Paul de Quiros, hindi pa natatapos ang mga kinukumpuning riles ng tren mula sa Alabang patungo ng Calamba, Laguna pero tiniyak nito na araw-araw ang ginagawang pagtatrabaho ng kanilang maintenance provider.

Sinabi ni De Quiros,  ang biyahe mula Tutuban patungo na Alabang ay nagsisimula ng ganap na alas-5:05 ng umaga at nagtatapos ng alas-7:05 ng gabi habang ang alis ng tren mula sa Alabang patungo ng Tutuban ay alas-5:30 ng umaga at ang last trip ay alas-7:30 ng gabi.

Ang biyahe ng PNR ay naibalik lamang nitong nakalipas na July 23 matapos ang tatlong buwan na pagkakatigil ng operasyon nito dahil sa ninakaw na riles na naging dahilan pa ng aksidente na ikinasugat ng maraming pasahero.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang rehabilitation work sa mga riles ng PNR upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Tiniyak ng pamunuan ng PNR na magbibigay  sila ng public announcement sa oras na magbalik sila sa full operation.

Inihayag pa ni De Quiros na nakapaglagay na rin sila ng anti-theft device upang hindi na maulit ang ginagawang pagnanakaw sa riles ng  PNR.

 

ALABANG

ANG

AYON

CALAMBA

DE QUIROS

INIHAYAG

MUNTINLUPA CITY

NANATILING

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAY

TONDO MAYNILA

TUTUBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with