^

Bansa

PNoy pinagpapaliwanag sa Presidential Social Fund – Gatchalian

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian kay Pangulong Benigno Aquino III na maglabas ng malinaw na accoun­ting ng P500 milyon intelligence fund nito gayundin ang P2 bilyon na Presidential Social Fund (PSF).

Sinabi ni Rep. Gatcha­lian na hindi kinukuwes­tyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang mga confidential at intelligence funds ng Presidente bilang pag respeto sa tanggapan nito.

Subalit makakabuti umano na magkusa ang pangulo na magbigay ng accounting nito sa publiko alinsunod na din sa tuwid na daan policy ng admi­nistration at para magsilbi din itong legacy ng punong ehekutibo ngayong 10 buwan na lamang ang nalalabi sa termino nito.

Ang PSF ay maitutu­ring na presidential pork barrel dahil diskresyon ng pangulo ang paggugol nito at hindi pa ito dumadaan sa pag-o-audit ng Commission on Audit (COA) kaya bukas na bukas sa pag-abuso.

Ang PSF ay nagmumula sa Pagcor at PCSO subalit kahit dumadaan sa pagbusisi ng COA ang dalawang ahensiya na ito ay ligtas naman sa audit sa kanilang kontribusyon sa PSF.

Idinagdag pa ni Gat­cha­lian na ang P500 mil­yon PSF ay nasa ilalim ng Presidential Anti -Organized Crime Commission na pinamumunuan ni Exe­cutive Secretary Paquito Ochoa.

ACIRC

ANG

GATCHA

ORGANIZED CRIME COMMISSION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL ANTI

PRESIDENTIAL SOCIAL FUND

SECRETARY PAQUITO OCHOA

SHERWIN GATCHALIAN

SHY

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with