^

Bansa

Tambalan sa 2016: Binay-Marcos niluluto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minsan pang napatu­nayan na sa pulitika, walang permanenteng magkaibigan at magkaaway.

Nasurpresa umano ang marami sa pahiwatig ni Senador Bongbong Marcos na bukas siya sa pakikipagtandem kay Vice President Jojo Binay para sa nalalapit na eleksyon sa 2016.

Anang anak ng dating diktador “This is politics, never say never…I am flattered that he chose me as running mate, but these matters are not decided by one person but by the party.

Nahihirapan umanong humanap ng kanyang vice presidential running mate si Binay. Ayon sa ilang political analyst, bagamat mataas ang rating sa survey ay sankatutak ang mga alegasyon ng katiwalian sa mga transakyon mula pa sa termino nito bilang alkalde ng Makati City.

Kamakailan ay napa­balitang isang malaking negosyante na sinasabing magiging ka-tandem ni Binay, ngunit ayon sa ilang source ay tahasang tumanggi ito at sinabing “I refuse to be his deodo­rizer” o hindi ito papayag na gamiting pantakip ang reputasyon ng negos­yante sa mga alegasyon laban kay Binay.

Sinabi naman ni Sen. Koko Pimentel na pati ang buong line-up ng mga kandidato ng UNA ay apektado ng mga isyung kinakaharap ng Bise Pre­sidente. “They should be able to say whether their standard bearer has integrity and honesty because that’s one of the issues that would be raised. They would be asked: ‘Why are you in that ticket?’” tanong ni Pimentel.

Mismong ang da­ting bise alkalde ni Binay at kapartidong si Ernesto Mercado, ang nagpaha­yag sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee hearings sa kaso ng overpricing, patong at kickback ng mga Binay sa mga proyekto ng lungsod. Umamin naman ang anak ni Binay na si Makati Congresswoman Abby Binay na hindi mahirap ang pamilya nila at may mahigit P638 milyong piso ang ari-arian ng mga magulang nito.

Noong panahon ng Martial Law, aktibista si Binay at human rights lawyer na lumaban sa diktadurya ni Ferdinand. Binatikos ni Binay noon ang mahigit dalawang dekada ng pamilya Marcos sa puwesto at napakalaking tagong yaman nito dahil sa korapsyon. Ngayon, halos tatlong dekada ang nakakaraan, alegasyon ng political dynasty at pagpapayaman sa puwesto ang hinaharap naman ng pamilya Binay.

Isa lamang ang naging reaksyon ni Binay dito: “Bakit mo natanong ‘yan? Sabi ko ho, hopefully, ang Binay administration will be remembered as the unifying administration,” sabi niya. “Let’s move, move on. May bago po tayong mga problemang haharapin,” diin ni Binay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRE

ERNESTO MERCADO

KOKO PIMENTEL

MAKATI CITY

MAKATI CONGRESSWOMAN ABBY BINAY

MARTIAL LAW

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with