^

Bansa

‘Haring’ Binay walang kredebilidad – Lacierda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tila wala pang balak huminto sa pagsasagutan ang kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay at Malacanang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda

Matapos mauwi sa paggamit ng gay lingo ang kampo ni Binay upang batikusin ang pinakahuling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino, nagsalita si Lacierda tungkol sa umano’y pagiging diktador ng Pangulo.

"Mr. Vice President, lest anyone forget, you were the first to say you want "ONE TO SAWA" or "UNLI POWER" to stay in power forever. And when people sensed your greedy ambition to remain forever as parang HARING BINAY at hindi lang Vice President or President, you reminded LP na walang forever," pahayag ni Lacierda sa isang Facebook post kahapon.

BASAHIN: Kampo ni Binay: Trulalu ang spluk ni VP, SONA ni PNoy chaka

"I honestly don't know where you get the gall to say things that you know na babalik sa inyo," dagdag niya.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Pangulo na walang kredebilidad si Binay na tirahin ang gobyerno dahil sa patuloy na pag-iwas niya na sumagot sa mga isyu laban sa kaniya.

"Kung sa tingin nyo na you are being bullied in cyberspace, don't you think it is because wala kayong credibilidad to accuse this government of dictatorship when you want to become Haring Binay forever or to talk about corruption when you cannot even answer the corruption allegations like Hacienda Binay or the Anti-Money Laundering (AMLA ) Report?"

BASAHIN: TSONA ni Binay 'charot' lang - Lacierda

Sinabi ni Lacierda nitong nakaraang linggo na “charot” o joke lang ang sariling bersyon ni Binay na SONA na sinagot naman ng pinuno ng kanilang media affairs.

"Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu," pahayag ni Joey Salgado na gumamit ng “gay lingo” pahayag ni ni Joey Salgado.

Mula nang magbitiw sa gabinete ni Aquino si Binay nitong Hunyo ay sunud-sunod na ang kaniyang tirada sa gobyernong tinawag din niyang manhid at palpak.

ANG

ANTI-MONEY LAUNDERING

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

HACIENDA BINAY

HARING BINAY

JOEY SALGADO

LACIERDA

MR. VICE PRESIDENT

PANGULO

QUOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with