^

Bansa

SSS tumatanggap ng mga bagong empleyado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inanunsiyo ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na tumatanggap sila ng mga aplikanteng nais maging kawani ng ahensiya para mailagay sa kanilang branch sa Central Luzon at sa lalawigan ng Romblon.

Ayon kay SSS regional information officer Maureen Inocecio, kabilang sa mga kailangan ng ahensiya ang mga service representative at clerk para sa Central Luzon.

Samantala sa Romblon ay kailangan ng service bureau personel para sa SSS Odiongan branch upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang operasyon sa buong lalawigan.

Ang mga qualified applicants ay dapat makapasa sa written exam saka ito isasalang sa final interview ng manager at kailangang isubmit na requirements.

Ang mga aplikante ay kailangang pure Filipino citizen, nagtapos ng bachelor’s degree, board passer o civil service commission professional level eligible at walang kamag-anak na empleyado o opisyal ng SSS.

ANG

AYON

CENTRAL LUZON

INANUNSIYO

MAUREEN INOCECIO

MGA

ODIONGAN

ROMBLON

SAMANTALA

SECURITY SYSTEM

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with