Sangkot sa P3-B scam, timbog sa entrapment
MANILA, Philippines - Isang umano’y tauhan ng kontrobersyal na One Dream Global Marketing na sangkot sa P3 bilyon investment scam ang naaresto ng pulisya sa isinagazz wang operasyon sa Lipa City kahapon.
Sa report ni Lipa City Police chief Carlos Barde, kinilala ang nadakip na si Randy Durado, 44, na umano’y nagre-recruit ng mga investor. Siya ay nasakote sa entrapment operation na isinagawa sa San Nicolas St., Barangay Balintawak ng nasabing syudad sa Batangas at nakatakdang sampahan ng kasong syndicated estafa.
Sinabi ni Barde na nakatanggap ang kanyang tanggapan ng reklamo sa may pitong investor na isinasali sa Channels of Hope Organization na kasintulad ng operandi ng One Dream.
Ang mga iniimbitahang mag-invest na nakapagpay in ay pinangakuang kikita o babayaran sa loob ng apat na araw.
Sa kabila nito, sinabi ni Durado na ang kanilang foundation ay rehistrado sa Securities And Exchange Commission (SEC) at tumutulong lang sila sa mga mahihirap sa lalawigan.
Sa kabila ng maraming nalokong investor, hindi pa rin mahanap ang may-ari ng One Dream Global Marketing na si Arnel Gacer.
- Latest