P14.00 dagdag sahod sa Region 1 workers
MANILA, Philippines - May P14.00 dagdag sa suweldo ang mga minimum wage earner sa Region 1.
Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 1 (RTWPB-1) ang Wage Order No.RB1-17 na nagtatakda ng pagtataas ng P14.00 sa daily minimum ng mga manggagawa at empleyado na mas mababa sa poverty income threshold, lalo na sa sector ng non-agriculture (micro) at agriculture (non-plantation).
Sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, ibibigay ang increase sa dalawang tranche. Ang unang bahagi ay sa effectivity ng wage order habang ang ikalawa ay sa Disyembre 2015.
Pinagbatayan ang kasalukuyang socio-economic condition sa rehiyon at kakayanan ng mga stakeholder sa pagbibigay ng naturang umento.
Kabilang sa makikinabang sa umento sa rehiyon ang 118,847 kawani na nagtatrabaho sa 45,542 micro establishments sa Region 1.
Ang Region 1 ay binubuo ng apat na lalawigan: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, 9 na lungsod (Laoag City, Candon City, Vigan City, Alaminos City, Dagupan City, San Carlos City at Urdaneta City), 116 na bayan at 3,265 na mga barangay.
- Latest