Hanna apektado na ng habagat
MANILA, Philippines - Naapektuhan na ni bagyong Hanna ang habagat kayat apektado na nito ang Luzon kasama ang Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) na makakaranas ng mga pag-uulan hanggang sa susunod na linggo.
Kahapon nananatili ang lakas ni Hanna habang lumalapit sa Batanes-Taiwan Area.
Alas-11 ng umaga, si Hanna ay namataan ng PAGASA sa layong 395 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras at pagbugso na aabot sa 200 kilometro bawat oras.
Si Hanna ay kumikilos sa bilis na 20 kph.
Nakataas ang signal number 2 sa Batanes province kasama ang Itbayat at signal number 1 naman sa Calayan at Babuyan group of islands kasama ang Northern Cagayan.
Ngayong Sabado inaasahan na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
- Latest