^

Bansa

Kampo ni Binay: Trulalu ang spluk ni VP, SONA ni PNoy chaka

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang sagutan ng Malacañang at ng kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Matapos tawaging “charot” ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang “true” State of the Nation ni Binay nitong Lunes ay sumagot ang pinuno ng media affairs ng bise presidente.

"Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu," pahayag ni Joey Salgado na gumamit ng “gay lingo.”

Hindi naman nagpapaapekto ang palasyo sa tuluy-tuloy na tirada ng kampo ni Binay.

"Ang sinusunod ng aming pangkat ay 'yung prinsipyo na kinakailangang maging makatotohanan at maging makatuwiran ang mga pahayag. At kasasabi ko lamang na ang focus ng aming pagpapahayag ay 'yung plataporma at mga isyu, at ang aming plataporma ay 'yung 'daang matuwid,' mabuting pamamahala. Kaya 'yon ang aming ginagamit na batayan," wika ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Kumpiyansa rin ang Malacañang na sila ang paniniwalaan ng publiko sa kabila ng paninira ng kanilang mga kritiko/

"Naniniwala kami na ang ating mga boss ay makatuwiran. Naniniwala kami na ang kanilang papanigan ay ang katotohanan. Naniniwala kami na sila ay fair o patas sa kanilang pagpapasya.”

Mula nang magbitiw sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III si Binay nitong Hunyo ay sunud-sunod na ang kaniyang tirada sa gobyernong tinawag din niyang manhid at palpak.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

JOEY SALGADO

MALACA

NANINIWALA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with