MMDA anti-smoking pinatigil ng CA
MANILA, Philippines – Pinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa desisyon ng 12th Division ng CA, nakasaad na hindi kasama ang MMDA sa mga ahensiyang binibigyang kapangyarihan ng Tobacco Regulations Act of 2003 o RA 9211 na magpatupad ng mga probisyon ng batas.
Sa ilalim ng nasabing batas, tanging ang Inter-Agency Committee on Tobacco (IAC-Tobacco) lamang ang may kapangyarihan na magpatupad ng mga kautusang nakasaad doon.
Nag-ugat ang kaso sa pag-apela ng MMDA sa desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) noong Nobyember 14, 2013 na nagpapatigil sa ahensya sa pagpapatupad ng anti-smoking campaign.
Pinaboran ng RTC sina Anthony Clemente at Vrianne Lamsen, mga petisyoner, na kapwa nagmulta ng P500 sa MMDA matapos mahuling naninigarlyo sa isang pampublikong lugar sa kahabaan ng EDSA Cubao, Quezon City.
Lumilitaw na wala rin sa mga anti-smoking ordinance ng Quezon City, Mandaluyong, at Parañaque na dine-deputize ang MMDA na ipatupad ito.
- Latest