^

Bansa

US fast-attack submarine nasa Subic na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumating na ang Los Angeles class fast-attack submarine ng US na bahagi ng Western Pacific deployment at isang US hospital ship sa Subic Bay, Zambales.

Sa press statement ng US Embassy na ipinadala sa Defense Press Corps, ang USS Chicago (SSN -721) submarine ay dumating sa Subic Bay kamakalawa.

Samantala ang USNS Mercy, ang hospital ship ay dumating naman sa Subic Bay kahapon para sa pagpapatuloy ng humanitarian, medical, vete­rinary, civic mission at iba pa sa ilalim ng Pacific Partnership 2015.

Ang USS Chicago ay binubuo ng 170 sai­lors na magsasagawa ng samuts­aring misyon upang ipakita ang kapabilidad ng submarine fleet.

Ang USS Chicago na ang base ay sa Guam na sumusukat ng 360 talampakang haba at tumitimbang ng 7,000 tonelada kapag nakalubog sa tubig ay ang kauna-unahanng fast-attack submarine na itinayo upang mapalakas pa ang presensya at kapabilidad ng US Navy sa mga istratehikong aksyon.

Dumating na rin sa Subic Bay kahapon ang USNS Mercy para sa ikalawang bahagi ng Pacific Partnership Mission sa Pilipinas.

Magugunita na una nang nagsagawa ng humanitarian at medical mission sa Capiz ang USNS Mercy partikular na sa Roxas City.

ACIRC

ANG

CAPIZ

DEFENSE PRESS CORPS

DUMATING

LOS ANGELES

PACIFIC PARTNERSHIP

PACIFIC PARTNERSHIP MISSION

ROXAS CITY

SUBIC BAY

WESTERN PACIFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with