Tupas ilagay sa DOJ - solons
MANILA, Philippines – Hinimok ng ilang kongresista si PNoy na ikonsidera si Iloilo Rep. Niel Tupas bilang kapalit ni DOJ Secretary Leila de Lima oras na magbitiw ito sa puwesto at pumalaot sa pulitika.
Ayon kina Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas at Marikina Rep. Romero Quimbo, si Tupas o “Junjun,” sa kanyang mga kaibigan ang karapat-dapat sa iiwanang posisyon ni de Lima.
Sina Farinas, Quimbo at Tupas ang nanguna noon sa House prosecution panel para patalsikin si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
“I hope President Aquino considers Rep. Niel Tupas for the post,” sabi ni Fariñas.
Ayon sa impormasyon. si de Lima ay isa sa mga pinagpipilian ng administrasyon para tumakbo bilang senador sa Mayo.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, impresibo ang credentials ni Tupas.
Si Tupas, ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas College of Law noong 1998 at top 20 sa kanyang batch at pumasa sa bar na may gradong 83.05.
- Latest