^

Bansa

Bill oobligahin ang airlines sa refund

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maoobliga na ang mga airline companies na mag-refund ng buo para sa mga ticket ng mga pasahero na nagkansela ng kanilang flight reservation. Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 5676 ni Sorsogon Rep. Evelenina Escudero na nagbibigay ng proteksyon sa interes ng mga pasahero ng eroplano. Nakasaad sa panukala ni Escudero na makakahi­ngi ng full refund ang pasahero para sa kanilang ticket ng walang service charge o cancellation fee. Subalit kailangan lamang maikansela ang flight reservation nito tatlong araw bago ang takdang pag-alis at maibalik ang ticket bukod dito nararapat din ang refund kung kasalanan ng airline ang dahilan kapag naka-miss ng connecting flight ang isang pasahero.  Nilinaw naman ni Escudero na ang polisiya tungkol sa refunds ay nakapaloob sa condition of carriage ng civil aeronautic board para sa lahat ng rehistradong airlines dito sa bansa.

ACIRC

ANG

EVELENINA ESCUDERO

HOUSE BILL

ITO

MAOOBLIGA

MGA

NAKASAAD

NILINAW

SORSOGON REP

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with