^

Bansa

Kris botante na ng Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo kahapon sa tanggapan ng Comelec sa lungsod Quezon ang television host at actress na si Kris Aquino para magparehistro bilang botante ng lungsod.

Si Kris na dalawang taon nang naninirahan sa Bgy. Bagumbayan sa QC ay nagtungo sa Comelec office para sa lungsod na makaboto sa darating na election.

Dating botante ng Makati City ang aktress kung saan ito nanirahan subalit dahil sa mas madalas itong nasa QC kung saan siya nagta-trabaho ay nagpasya itong lumipat ng pagboto sa 2016 election.

Sa pagharap sa media, sinabi ni Kris na wala siyang balak na tumakbo sa darating na 2016 election dahil na rin sa dami ng produktong kanyang iniindorso.

Sinabi din nito na kung hindi siya susuporta sa inindorso ng kapatid ay mabuting tumahimik na lang siya.

Kaugnay naman sa isyu ng pambabatikos ni Vice Pres. Jejomar Binay sa administrasyon ng kanyang kapatid, sinabi ni Kris na nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila ng mga anak nitong si suspended Makati Mayor Junjun Binay at ni Ann Binay.

Giit ng actress na hindi anya maaring ma­ging balat sibuyas sa politika at napag-usapan na nila ito ng anak ng Bise Presidente at nagkakaunawaan naman sila rito.

Nasasaktan din anya siya kapag natitira ang kapatid, gayundin naman kapag sila ang naatake, pero naniniwala anya ang aktress na mananatili ang kanilang pagkakaibigan.

Ganap na alas-12 ng tanghali nang matapos ang pagpaparehistro ni Kris sa Comelec QC kasabay ng pagdagsa ng mga nagpaparehistrong mga residente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANN BINAY

BISE PRESIDENTE

COMELEC

JEJOMAR BINAY

KRIS AQUINO

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

SI KRIS

VICE PRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with