^

Bansa

Bagyo papasok sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bagyo ang inaasahang papasok sa Phi­lippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules, Agosto 5.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Gener Quitlong na binabantayan nila ang isang tropical storm na may international name na Soudelor.

May lakas ito ng hangin na 65 kilometers per hour (kph) at pagbugsong umaabot sa 80 kph. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Sa taya ng weather bureau, hindi naman inaasahang magla-landfall ang bagyo dahil bahagyang may kataasan ito gaya ng mga nakaraang bagyo na halos sa gilid lang ng bansa dumadaan.

Inaasahang palalakasin ng bagyo ang Habagat na magdadala naman ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Sa ngayon, wala pa aniyang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na papasok sa bansa sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Patuloy namang nakakaapekto ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa bansa.

Makararanas naman ang Metro Manila at nala­labing bahagi ng Luzon ng magandang lagay ng panahon bagama’t nananatili ang banta ng pulu-pulong pagkidlat-pagkulog.

ACIRC

AGOSTO

ANG

GENER QUITLONG

HABAGAT

INAASAHANG

ISANG

KUMIKILOS

LUZON

MAKARARANAS

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with