^

Bansa

Bwelta ni Poe kay PNoy ‘Nahihinog pa lang mas pinipili’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May buwelta agad si Senator Grace Poe sa sinabi ni Pangulong Aquino na hindi na kinakaila­ngan pang magsanay sa pamumuno si DILG Secretary Mar Roxas dahil hinog na hinog na ito.

Bagaman at hindi binanggit ang pangalan ni Poe, mistulang ito ang tinutukoy ng Pa­ngulo nang iendorso nito si Roxas bilang pambato ng Liberal Party sa pagkapangulo sa 2016.

Ayon kay Poe, hindi naman maikakailang mas mahaba sa gobyerno si Roxas kaya masasabing hinog na ito pero may mga tindera aniya na mas pinipili ang mga mahihinog pa lamang (na prutas) dahil mas tumatagal ito.

“Alam mo, hindi naman mapagkakaila na mas mahaba sa gobyerno si Secretary Mar. Sabi nga nila, hinog na raw. Pero ako naman kahit iyong nahihinog pa lamang, minsan pinipili ng mga tindera at mamimili sapagkat mas tumatagal,” ani Poe.

Posibleng makaharap ni Poe sa presidential race si Roxas sakaling magdesisyon itong tumakbo.

Nagpapasalamat naman si Poe dahil sa patuloy na panliligaw sa kanya ng LP na tumakbong bise ni Roxas.

Si Poe pa rin umano ang “top choice” ng LP kahit pa hindi nila ito mi­yembro.

Inihayag rin ni Poe na patuloy pa rin niyang pinag-iisipan kung ano ang posisyong tatakbuhan sa 2016.

Samantala, itinanggi kahapon ng Malacañang na sina Sens. Poe at Chiz Escudero ang pinatutungkulan ni Pangulong Aquino na mga ‘hilaw’ at ‘baka sakali’ sa gitna nang pag-eendorso kamakalawa kay Roxas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigal Valte, wala namang pinangalanan ang Pangulo kaya hindi masasabing sina Poe at Escudero ang tinutukoy nito.

Sabi ni Valte na ang mahalaga ay ang tinukoy ng Pangulo na hindi dapat magbakasakali kung mayroon namang sigurado.

ABIGAL VALTE

ACIRC

ANG

AYON

CHIZ ESCUDERO

DEPUTY PRESIDENTIAL

HINDI

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

POE

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with