^

Bansa

Obispo kay PNoy: ‘Akuin ang pagkukulang’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo si Pangulong Aquino na akuin na lamang ang kanyang mga pagkukulang sa halip na sisihin ang nakaraang administrasyon.

Ito ang reaksiyon ni Pabillo sa huling State of the Nation Address ng Pangulo kung saan muli niyang sinisi ang umano’y katiwalian ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Pabillo, hindi makakausad ang  bansa kung patuloy ang gagawing paninisi  ni PNoy sa administrasyong Arroyo na hindi na umano dapat pang nauungkat.

Ngayong hindi na aabot sa isang taon ang nalalabi sa termino ni PNoy, hindi na tama na sisihin pa niya ang gobyernong Arroyo sa problemang kinakaharap ng bansa.

Mahigit limang taon na umano sa pwesto si Aquino, pero hanggang ngayon, paninisi pa rin ang kanyang binibitiwan.

Kasabay nito, dismayado rin si Pabillo dahil ginamit lamang ni Aquino sa propaganda ang kanyang SONA sa halip na ilahad ang tunay na sitwasyon ng bansa.

ANG

AQUINO

AYON

ITO

KASABAY

MAHIGIT

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

NBSP

PABILLO

PANGULONG AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with