^

Bansa

Pagbibitiw ni Chiz pinuri ni SB

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si House Speaker Feliciano Belmonte sa mga opisyal ng pamahalaan na kakandidato sa mas mataas na posisyon sa 2016 na tularan si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na nagbitiw bilang tagapangulo ng Senate Finance Committee at co-Chairperson of the Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures alang-alang sa kagandahang-asal.

“Magandang pampulitikang hakbang mula sa isang maestro. Dapat makaramdam na rito ang ibang katulad niya ang sitwasyon,” sabi ni Belmonte na vice chairperson ng makaadministrasyong Liberal Party.

Pinuri ni Belmonte ang pagbibitiw ni Escudero na napapabalitang sasabak sa pambansang halalan sa susunod na taon.

Paliwanag ni Escudero, nagbibitiw siya para matiyak na hindi mababahiran ng pulitika ang deliberasyon ng Senado sa panukalang pambansang budget.

Ang Senate Finance Committee ang katapat ng House Appropriations Committee na ta­talakay sa 2016 national budget o General Appropriations Bill (GAB) na isinumite kamakalawa ng Department of Budget and Management sa Kongreso. Sa oras na maaprubahan ito ng House, isusumite ito sa Senado.

Sinabi rin ni House Deputy Majority Leader Rep. Sherwin Tugna  ng Citizens’ Battle Against Corruption Partylist na dapat ding magbitiw sa kanilang puwesto ang iba pang mga opis­yal ng pamahalaan na merong kahalintulad na sitwasyon.

“Dahil sa delicadeza, dapat magbitiw ang lahat ng opisyal ng pamahalaan kung makukuwestyon ang kanilang integridad kapag kumandidato at nanalo sila sa halalan,” paliwanag ni Tugna.

Hinamon din ni Ba­yan Muna Rep. Neri Colmenares ang iba pang kandidatong sasabak sa 2016 elections na magbitiw na sa mahahalagang posisyong kanilang hawak sa gobyerno upang hindi magamit sa panga­ngampanya.

Sinabi pa ng solon na kung seryoso sa pagtakbo sa eleksyon sa Mayo sa susunod na taon ay huwag nang mag-aksaya pa ng panahon ang mga gustong kumandidato kundi bumaba na sa puwesto para hindi maakusa­hang ginagamit ang resources ng gobyerno sa pansariling interes sa pulitika.

ACIRC

ANG

ANG SENATE FINANCE COMMITTEE

BATTLE AGAINST CORRUPTION PARTYLIST

BELMONTE

CHAIRPERSON OF THE JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GENERAL APPROPRIATIONS BILL

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER REP

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with