^

Bansa

Pagbuo ng bagong distrito sa Cebu aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumasa na kahapon sa Senado ang panukalang batas na naglala­yong magbuo ng isang karagdagang distrito sa probinsiya ng Cebu.

Ang panukala ay inihain nina Reps.Wilfredo Caminero, Benhur Salimbangon, Aileen Radaza at Gwendolyn Garcia.

Kapag tuluyang na­ging ganap na batas, magkakaroon ng se­venth legislative district sa pro­binsiya ng Cebu.

Ang nasabing distrito ay bubuuin ng mga munisipalidad ng Dumanjug, Ronda, Alcantara, Moalboal, Badian, Alegria, Malabuyoc at Ginatilan.

Ang bagong distrito ay may populasyon na 200,092 base sa 2010 census ng Philippine Statistics Authority.

Ang mga munisipalidad ng Argao, Dalaguete, Alcoy, Boljoon, Oslob, Santander at Samboan ay mananatiling kabilang sa second legislative district ng probinsiya. Ang mga nabanggit na munisipalidad ay may pinagsamang populasyon na 223,360.

Sa ngayon ang Cebu na pang-lima sa pinakamaraming populasyon sa probinsiya ay may anim na distrito.

ACIRC

AILEEN RADAZA

ALCOY

ALEGRIA

ANG

ARGAO

BENHUR SALIMBANGON

CEBU

GWENDOLYN GARCIA

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

WILFREDO CAMINERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with