Government hospitals, airports, LRT, MRT lagyan ng libreng Wifi - Recto
MANILA, Philippines - Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bigyang prayoridad ng libreng Wifi ng Department of Science and Technology(DOST) ang mga public hospitals, paliparan at mga mass transit system sa bansa.
Ang kahilingan ay ginawa ni Recto matapos na maglunsad ang DOST noong nakaraang linggo ng libreng Wifi sa may anim na ospital sa Metro Manila.
Sa orihinal na plano, libre ang mga Wifi sa ilang airports, hospitals, public schools, plazas, seaports, government offices at iba pang lugar pampubliko.
Sinabi pa nito na mahalagang magkaroon ng mga libreng Wifi sa mga pampublikong ospital at ng sa ganoon ay mapakinabangan ito ng mga pasyente. Mayroong P1.4 billion pondo ang programa na isinulong ni Recto sa Senado.
“If you’re a son of an OFW and you would like to get in touch with your father because your mom has been stricken ill, then you can do it within the hospital premises,” ayon pa kay Recto.? Aniya, ganito din ang sitwasyon sakaling magkaroon ng problema sa ilang ahensya ng pamahalaan.
Libre na ang Wifi sa Quezon City Memorial Circle, Quezon City Hall, Philcoa, Social Security System, LTO sa Quezon City at Rizal Park sa Manila.
- Latest