Giit sa mga kongresista magsipag na sa huling sesyon
MANILA, Philippines - Hinikayat ni House Majority Leader Neptali Gonzales ang mga kapwa nito kongresista na maging masipag sa pagdalo ng sesyon ngayong huling regular na sesyon ng 16th Congress.
Sinabi ni Gonzales, na ito ay upang magawa nilang maipasa ang mahahalagang panukalang batas tulad ng Freedom of Information (FOI) bill, Anti-Political Dynasty Bill at maging and Economic Chacha.
Paliwanag pa nito, maaring maisalba sa natural death ang nasabing mga panukalang batas kung hindi sila magkakaproblema sa quorum.
Kaya dahil sa kakapusan din umano ng panahon kaya ang 2016 budget at ang Bangsamoro Basic Law lang ang siguradong mapapagtibay ng Kamara.
Giit pa ni Gonzales na kahit gusto nilang ipasa ang FOI bill, anti-political dynasty bill at Economic chacha ay quorum naman ang kanilang kalaban dahil madali itong kwestiyunin ng mga tutol sa mga nabanggit na panukalang batas.
Aminado naman ang mambabatas na mas mabigat na challenge sa kanila ang makabuo ng quorum ngayon dahil magiging abala na ang mga kongresista sa eleksyon.
- Latest