^

Bansa

Singil ng eye docs pinalobo ng PhilHealth- QCEC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Batay lang umano sa pinalobong mga datos ang desisyon ng Philippine Health Insurance Corporation na suspindihin ang pagbabayad para sa reimbursement sa panggagamot ng Quezon City Eye Center sa mga pasyente nito.

Ito ang tinuran ng QCEC na nagsabi pa na ang aksyon ng PhilHealth ay hindi naging makatarungan sa mahahalagang nagawa ng center sa mga pasyente.

Sa isang pagdinig sa Senado, pinuna ni QCEC CEO at Presidemt Dr. Raymon Evangelista na mali ang mga datos na iprinisinta ng mga opisyal ng PhilHealth dahil pinalaki lang ito nang milyon-milyun para suportahan ang desisyon nito.

“Hindi malinaw ang bagay na ito at walang ginawang anumang imbestigasyon at isa itong malaking problema,” patungkol ni Evangelista sa kabiguan ng PhilHealth na maitama ang mga maling datos.

Naunang ipinahayag ng PhilHealth na ang QCEC ay merong total reimbursement na P156 milyon noong 2014 pero, ayon kay Evangelista, tumanggap lang sila mula sa PhilHealth ng P110 milyon kasama na ang sa professional fee ng mga duktor.

Kuwestiyonable rin anya ang basihan ng imbestigasyon dahil ang top ten list na ipinalabas ng PhilHealth ay sumasaklaw lang sa maliliit na center at puwera ang cataract surgeries na ginagawa sa iba’t-ibang ospital.

“Nakakatiyak ako na maiiba ang listahan kung itutuwid ng PhilHealth ang mga datos na ito at isama ang reimbursement sa mga ospital,” dagdag ni Evangelista.

Binatikos din ni Evangelista ang pahayag ng PhilHealth na merong nakabimbing kaso ang QCEC sa health insu­rance provider ng pamahalaan.

Sa katotohanan anya, hinihintay niya ang aksyon ng Committee on Administrative Cases Against Health Care Providers and Members (CAAC) ng PhilHealth mula pa noong 2010 pero hanggang ngayon ay walang nangyayari.

Sinabi pa ni Evangelista na nasira ang reputasyon ng QCEC dahil sa ginawang hakbang laban dito ng PhilHealth.

Nababahala rin si Evangelista sa libo-libong cataract patients na karamihan ay senior citizen na automatic co­vered ng PhilHealth na mahihirapan ngayon makahanap ng eye clinic para sa kanilang libreng cataract surgery dahil walang ibang magagawa ang mga eye clinics tulad ng QCEC kundi ihinto ang pagtanggap sa mga PhilHealth members matapos ipitin ang pagbabayad sa kanila.

Aniya, nagtataka siya kung bakit ang mga eye clinics ang pinag-initan ng PhilHealth na sumisingil lamang ng P16,000 gayung mas mahal ang singil ng mga malalaking ospital para sa katulad na cataract surgery.

“We feel that this is anti-poor; if you put a cap on the number of cataract surgeries, then doctors will choose the ones that can pay the most. That will result to discrimination,” idinagdag pa nito.

 

ACIRC

ADMINISTRATIVE CASES AGAINST HEALTH CARE PROVIDERS AND MEMBERS

ANG

ANIYA

BATAY

DR. RAYMON EVANGELISTA

EVANGELISTA

MGA

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

QUEZON CITY EYE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with