^

Bansa

PNoy nag-inspeksiyon sa Batangas port

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-inspeksyon kahapon si Pangulong Aquino sa Batangas Port kaugnay ng pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang dumating ang Pangulo at unang ininspeksyon ang passenger assistance kiosk at ticketing booth.

Nagtungo rin ito sa passenger area saka ti­ningnan ang ilang moto­rized banca. Kinausap nito ang mga kapitan at crew para matiyak na kumpleto ang kagamitan.

Ayon kay PNoy, kuntento naman siya sa naging paghahanda sa pier pero pinuna nito ang kakulangan sa life vest ng ilang bangka para sa mga pasahero.

Samantala, wala pa ring patid ang pagda­ting ng mga biyahero sa Batangas Port.

Nananatili namang maaliwalas ang panahon doon pero ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, na una nang nag-inspeksyon sa pier, oras na magtaas ng storm signal ang PAGASA sa Southern Tagalog dahil sa papasok na Bagyong Chedeng ay ikakansela ang mga biyahe ng barko.

Bukod sa Batangas Port, nag-inspeksyon din si PNoy sa NAIA at sa isang bus terminal sa Quezon City. ­

ACIRC

ANG

AYON

BAGYONG CHEDENG

BATANGAS PORT

BUKOD

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY

SECRETARY JUN ABAYA

SEMANA SANTA

SOUTHERN TAGALOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with