Pag-freeze sa P183M ari-arian ni Jinggoy pinagtibay ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines – Kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division ang freeze order sa P183 milyong ari-arian ni Sen. Jinggoy Estrada na sinasabing kickback umano niya mula sa P10 bilyong pork barrel scam.
Sa resolusyong inilabas ng anti-graft court, sinasabing walang “counterbond” na inihain ang kampo nito at wala ring merito ang mga argumento nila kaya walang dahilan para alisin ang kautusan.
Aprubado ang resolusyon ng lahat ng tatlong justices ng Fifth Division.
Sa orihinal na resolusyon, sinabi ng Sandiganbayan na may ‘sufficient ground’ para ipa-freeze ang assets ni Estrada base sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ipinasara ng naturang senador ang apat nitong bank accounts nang pumutok ang eskandalo.
Sa apela ni Estrada, binanggit niya na hindi ito sapat na ebidensya dahil ipinasara niya ang mga ito bago pa lumabas ang garnishment petition sa assets niya.
- Latest