^

Bansa

Responsable sa sunog kakasuhan - BFP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection sa publiko na sasampahan nila ng kasong kapabayaan ang sinumang mapapatuna­yang nagiging sanhi kung bakit nagkakasunog sa kanilang lugar.

Ayon sa BFP, nakaka-alarma na ang sunog sa bansa na umabot na sa 4,682 insidente mula March 30, 2015, kahit pa mas mababa kumpara noong nakaraang taon na may 5,455 fire incident ng kahalintulad na panahon.

Sabi ni BFP Director Ariel Barayuga, sa kabila ng kanilang pagpupursigi na turuan ang publiko kung papaano mapi­pigilan ang sunog, patuloy itong nadagdagan kada araw na nagiging sanhi ng pagkawala ng buhay at ari-arian.

Aniya, sa ilalim ng nasabing batas, sinumang mapapatunayang nagkasala ng korte ay mahaharap sa pagkakabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon, depende sa sirkumstasya at bigat ng pagkakasala nito.

Base sa record ng BFP, ang pinaka-common na sanhi ng sunog ay napabayaang nakasin­ding kandila o gasera, kapabayaan sa pagtatapon ng upos ng sigarilyo, napabayaang niluluto/stove, kaingin, paputok, o mga batang iniiwan mag-isa habang naglalaro ng posporo at lighter.

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

BFP

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DIRECTOR ARIEL BARAYUGA

NAGBABALA

SABI

SANHI

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with