^

Bansa

P50K/month sa gov’t doctors

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Senado na maitaas sa salary grade level 24 o halos P50,000 ang minimum na sahod ng mga doktor ng gobyerno.

Sa Senate Bill 2689 ni Sen. Grace Poe, sinabi nito na panahon na para itaas ang minimum salary grade level ng mga public doctors upang mas maengganyo ang mga medical professionals na magtrabaho sa ospital ng gobyerno sa halip na mangibang bansa.

Ayon sa International Labor Organization, ang mga health professionals sa Pilipinas ay umaalis ng bansa dahil sa “colonial mentality, economic needs, career development at mas maayos na standard of living sa ibang bansa.”

Ayon naman sa Alliance of Health Workers (AHW) ang panguna­hing dahilan ng doctor migration ay ang mababang sahod at ang hindi makataong working conditions.

Ang Pilipinas at ang India ang dalawang ma­laking providers ng

foreign health workers para sa Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) countries, kabilang na ang mga European nations.

Ang Pilipinas din ang sinasabing “number one exporter” ng mga nurses at number two exporter ng doktor sa mundo.

Sa kabila nito, pito sa bawat 10 Filipino ang namamatay ng hindi nati­tingnan ng mga health professional.

Sa data ng IBON Foun­dation, noong 2007, mayroon lamang pitong government doctors sa bawat 200,000 Filipino na hindi angkop sa standard ratio ng World Health Organization na isang doktor sa bawat 5,000 pasyente.

Ayon sa AHW, ang mga resident doctors sa gobyerno ay tumatanggap lamang ng minimum na P26, 259 kada buwan samantalang ang mga nasa pribadong sektor ay P20, 135. Ang mga resident doctors din umano ay kinakaila­ngang magtrabaho ng average na 110 oras sa isang linggo na mas mahaba kaysa sa itinatakda ng Labor Code samantalang ang mga municipal health officers ay on-call sa loob ng 24 hours at hindi nabibigyan ng overtime pay.

ACIRC

ALLIANCE OF HEALTH WORKERS

ANG

ANG PILIPINAS

AYON

ECONOMIC CO

GRACE POE

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

LABOR CODE

MGA

SA SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with