^

Bansa

Pumatay sa SAF 44 ba’t di pa isinusuko? - solons

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

 

 

 

 

 

MANILA, Philippines – Kahit naka-recess ang Kongreso, paiimbestigahan ng oposisyon sa Kamara ang umano’y kawalan ng aksyon ng gobyerno para mabig­yan ng hustisya ang SAF 44.

Ayon kay House Independent Minority Leader Ferdinand Martin Romouldez, Reps. Lito Atienza (Buhay party­list) at Jonathan dela Cruz (Abakada partylist), sasabihin na lang ba nila sa mga pamilya ng nasawing SAF commandos na “sorry” dahil mas importante ang MILF kaysa sa sakripisyo ng inyong mahal sa buhay”.

Dagdag sakit pa umano sa kalooban ng mga ito na sa halip bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Fallen 44 ay ang patuloy na pagsisiguro ng gobyerno na isulong ang Bangsa­moro Basic Law (BBL).

Ito umano ang dahilan kaya hindi nila maiwasang magtanong kung kanino panig ang gobyerno kung sa MILF ba o sa mga Filipino.

Ipinagtataka rin ng mga kongresista kung bakit kahit tapos na ang MILF report at tukoy na ang mga pumatay sa SAF 44 ay hindi pa rin isi­­nusuko ang mga ito sa gobyerno gayundin hindi maobliga ng administrasyon na maisuko ang mga ito.

Dahil dito kaya isusulong ng Independent Minority Bloc ang im­bestigasyon sa kawalan ng hakbang ng gobyerno para mabigyan ng hustisya ang mga nasawi kahit naka-recess ang kongreso bunsod na rin sa wala na umanong naririnig sa administrasyon kung ano ang ginagawa nilang hakbang para maaresto ang mga pumaslang sa SAF 44.

ABAKADA

ACIRC

ANG

AYON

BANGSA

BASIC LAW

BUHAY

HOUSE INDEPENDENT MINORITY LEADER FERDINAND MARTIN ROMOULDEZ

INDEPENDENT MINORITY BLOC

LITO ATIENZA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with