Kamara pabor sa SK postponement
MANILA, Philippines - Ikinagalak ng liderato ng Kamara ang pagsasabatas ni Pangulong Aquino sa postponement ng Sangguniang Kabataan (SK) elections para maisabay na lang ito sa barangay elections sa October 2016.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., mas mainam ito para sa dalawang Kongreso dahil mapapag-aralan pa nila ang mga reporma na dapat gawin sa SK gayundin ang ilang pag-amyenda na dapat gawin sa Local Government Code.
Bukod dito mabibigyang panahon din sila na maisaayos ang sistema ng SK sa bansa para sa mas responsive na mga kabataang naglilingkod sa mga barangay.
Ayon pa kay Belmonte, makakatulong ang SK postponement para mas mapagtuunan ng pansin at mapaghandaan lalo na ng Comelec ang nalalapit naman na national at local elections sa May 2016.
Ang pag-reset umano sa SK elections ay magbibigay daan para matiyak na ang isasagawang pampanguluhang halalan ay matagumpay, maayos at mapayapa.
- Latest