^

Bansa

CHR sa Mamasapano clash: Misencounter hindi masaker

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) ngayong Miyerkules na isang “misencounter” at hindi “massacre” ang engkwentro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25.

Sinabi ni CHR Chair Loretta Rosales sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Channel na mas akma ang misencounter dahil hindi naman plano ng dalawang panig na magpalitan ng putok.

Dagdag niya na handa ang CHR na tumulong hindi lamang sa gobyerno ngunit pati na rin sa MILF kung lalapit ito sa kanila.

"This is the process of peace negotiations. You are dealing with elements that are outside the law, it's not easy. You have to take the extra mile," wika ni Rosales.

Samantala, taliwas sa sinabi ng nasibak na SAF Director Getulio Napeñas na successful ang operasyon, para kay Rosales palpak ito mula pa lamang sa simula.

Nakatakdang ilabas ng CHR ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidente sa ikalawang linggo ng Abril.

ABRIL

CHAIR LORETTA ROSALES

DAGDAG

DIRECTOR GETULIO NAPE

ENERO

HUMAN RIGHTS

IGINIIT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEWS CHANNEL

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with