^

Bansa

Makati acting mayor laglag na?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang iniwan sa ere nina Department of Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas at Department of Justice Secretary Leila de Lima si Makati Vice Mayor Romulo Pena matapos maghugas kamay si de Lima sa kanyang legal opinion sa suspension ni Makati mayor Jejomar Erwin “Jun Jun” Binay.

Matatandaan na ni­li­naw ni de Lima kamakailan na “advisory” o pagpapayo lamang ang kanyang ibi­nigay na legal opinion sa temporary restraining order na ipinalabas ng Court of Appeals laban sa suspension order na ipinataw ng Ombudsman kay Binay.

Noong Martes, kapuna-puna na nabawasan na ang pulis na nasa Old Building kung saan nag-oopisina si Pena. Mula mahigit 2,000 pulis, wala nang 100 ang pulis na nasa City Hall.

Nauna rito, sinabi ni Councilor Mayeth Casal-Uy na wala nang dahilan para magmatigas sina Roxas at Peña.

Nilinaw din ng kampo ni Binay na kahit minsan ay hindi naging acting mayor si Peña dahil sa TRO ng Court of Appeals.

Ito ay sinuportahan ni dating Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes Jr. na nagsabi na hindi matatawag na acting mayor si Peña dahil hindi sya nakapag-assume ng puwesto bago ang TRO.

“The authority cited by the DILG and Pena is the DOJ legal opinion. Legal experts have weighed in and all of them agree that the TRO must be res­pected and Mayor Binay is the mayor,” sabi ni Joey Salgado, spokesman ng mayor.

vuukle comment

BINAY

CITY HALL

COUNCILOR MAYETH CASAL-UY

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

ELECTIONS CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

JEJOMAR ERWIN

JOEY SALGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with