^

Bansa

Earth Hour sa Marso 28 kasado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasado na ang isang oras na sabayang pagpapatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at establisimyento sa mundo na inorganisa ng World Wide Fund for Nature (WWF) para sa kalikasan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, gaganapin ito sa bansa sa darating na Sabado, Marso 28 kung saan mangyayari ang main switch-off sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Hinimok ng kalihim ang publiko na lumahok sa Earth Hour 2015 na may global tagline anyang “Use Your Po­wer to Change Climate Change” at magsisimula alas-8:30 hanggang alas-9:30 Sabado ng gabi sa Pilipinas.

“We encourage our people to participate in Earth Hour 2015 by vo­luntarily switching off all lights for one hour.... In so doing, Filipinos will be showing their solida­rity with the rest of the world in efforts to combat climate change, thereby promoting a cleaner, healthier and greener world,” sambit ni Coloma sa Radyo ng Bayan.

Binanggit ng kalihim na simula 2009 hanggang 2013 ay kinilalang “Earth Hour Hero Country” ang bansa dahil sa pakikiisa nito sa kampanya.

Ngayong taon, magdo-donate anya ng solar lamps ang bansa sa mga komunindad na walang elektrisidad para tulu­ngan silang mapailawan ang kani-kanilang mga tahanan.

 

CHANGE CLIMATE CHANGE

EARTH HOUR

EARTH HOUR HERO COUNTRY

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

SABADO

USE YOUR PO

WORLD WIDE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with