^

Bansa

120 SAF troopers iimbestigahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang paimbestigahan ng bagong hepe ng PNP-Special Action Force (SAF) ang 120 SAF commandos na inakusahang hindi sumaklolo sa napapalaban nilang mga kasamahan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay SAF Commander Chief Supt. Moro Virgilio Lazo, bagaman hindi ito kapani-paniwala ay bukas siyang magkaroon ng pagsisiyasat para lumantad ang katotohanan.

Reaksyon ito ni Lazo sa sinabi nitong Biyernes ni Sen. Antonio Trillanes IV na nais niyang maim­bestigahan ang nasa 120 SAF commandos na hindi nag-reinforce o tumulong sa napapasabak nilang mga kasamahan sa 84th SAF Seaborne Company at 55th SAF company.?

Sabi ni Trillanes, nalaman niya ito mula sa ilang mga opisyal ng AFP na tumestigo sa executive session ng Senado na nag-imbestiga sa Mamasapano clash.

Ang naturang impormasyon ay hindi umano napasama sa committee report ni Sen. Grace Poe.

Sabi ni Trillanes, higit 300 SAF troopers na nakaistambay lang, kumakain sa carinderia at nasa sagingan habang ang iba pa raw ay nagte-text lang ang tumangging rumesponde sa mga kasamahang napapa-engkwentro noon sa MILF at BIFF rebels.

Ilang metro lang umano ang layo ng 120 SAF sa kanilang mga kasama na nakikipagbakbakan.

Ayon kay Trillanes, dumating ang Army sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano bilang tugon sa hininging ayuda.

“Pumasok sila para mag-reinforce. Nakita nilang higit 100 SAF personnel, 500 meters from the road, mga nakadapa, nakahiga, nagre-relax,” sabi ni Trillanes sa pa­nayam ng DZMM.

Dito sinabi umano ng militar na pasukin na nila ang lugar para tulungan ang 55th Company na noo’y napapasabak sa bakbakan.

Gayunman, tumanggi aniya ang mga SAF.

Nanawagan ang senador kay PNP officer-in-charge Leonardo Espina na imbestigahan ang mga hindi sumaklolong kabaro ng Fallen 44.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

AYON

BARANGAY TUKANALIPAO

COMMANDER CHIEF SUPT

GRACE POE

MAMASAPANO

SAF

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with