^

Bansa

Privatization ng Orthopedic binira

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Anti-poor” umano ang plano ng gobyerno na isapribado ang Philippine Orthopedic Center (POC).

“Lagi pong sinasabi ng Administrasyon na tayo ang boss nila, e bakit patuloy na pinapabayaan ang mga basic social services tulad ng health care at ibinibigay sa mga pribadong institusyon?” sabi ni Navotas Rep. at United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco.

Ang Orthopedic Cen­ter ang tanging ospital ng gob­yerno na may kakayahan sa mga orthopedic cases ngunit kapag ito ay naisa­pribado ang mga mahihirap na pasyente dito ay magbabayad umano ng malaki.

Ayon sa ulat, ang POC ay sasailalim sa Public-Private Partnership (PPP) project. Ang Megawide-World Citi Consortium ang naka-kontrata rito na may P5.6-billion para sa modernisasyon ng mga pasilidad ng ospital. Sa kontrata, ang consortium ang magde-design, build, finance at patatakbuhin ito sa loob ng 25 years.

“If the Makati city go­vernment can fund a city hospital so that it can cater to indigent patients, why is the national go­vernment not using the billions under its disposal to similarly do the same for hospitals all over the country? More so if these are specialized hospitals like the Orthopedic Center. Ehemplo lamang po ito na pinapabayaan ang mga mahihirap ng kasalukuyang administrasyon,” sabi ni Tiangco.

Ayon sa Megawide’s plan, ang magiging mo­dernong POC ay maglalaan lamang ng 70 beds para sa mga mahihirap na pasyente. Sa ngayon ay may kabuuan 700 beds ang ospital.

“Sobrang baba nito sa kasalukuyang 562 beds o 85% na nakalaan para sa mga mahihirap na mga pasyente. Dahil magiging pribado na ang ospital, may posibilidad na hindi ma-retain ang staff nito dahil walang as­surance na ia-absorb sila ng POC,” sabi pa ni Tiangco.

Napag-alaman may iba’t ibang grupo ang nagsampa ng petition sa Supreme Court noong 2013 para ipahinto ang pagsasapribado ng naturang ospital.

ANG MEGAWIDE-WORLD CITI CONSORTIUM

ANG ORTHOPEDIC CEN

AYON

IF THE MAKATI

NAVOTAS REP

ORTHOPEDIC CENTER

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with