^

Bansa

17 detenidong Sayyaf inilipat sa Bicutan jail

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-pitong detenidong Abu Sayyaf na sangkot sa terorismo ang ibiniyahe na kahapon upang ilipat ng kulungan sa Metro Manila.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., ang paglilipat sa mga bilanggong Abu ay upang tiyakin na walang magaganap na rescue sa mga ito sa kanilang kulungan matapos ang jailbreak sa Basilan nito lang Enero.

Tinutukoy ni Catapang ang pagpuga sa Basilan Provincial Jail noong Enero 27 na pinamunuan ng isang miyembro ng Sayyaf na kinilalang si Said Usman­ kasama ang pito pang inmates.

Ang nasabing Sayyaf detainees na isinakay sa C130 plane mula sa Zamboanga City ay dumating sa Villamor Air Base at idineretso sa Quezon City Jail annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan saTaguig City.

Kabilang sa mga Abu rebels na inilipat ng kulungan sina Ali Alkis, Ashraf Kunting, Ali Sahibul, Abu Mohalmi, Abu Ismael, Abu Akmad, Abu Abdul, Abu Dadal, Abu Benjamin, Aldie Danu, Abu Nas, Aldi Danu, Hapikin Sadun, Jess alyas Abu Jul, Usman Sakadi, Omar Eppong at Kamel Malibul.

Sangkot ang mga ito sa kasong murder, kid­napping, frustrated murder at iba pa.

vuukle comment

ABU

ABU ABDUL

ABU AKMAD

ABU BENJAMIN

ABU DADAL

ABU ISMAEL

ABU JUL

ABU MOHALMI

ABU NAS

ABU SAYYAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with