Taumbayan ‘no’ sa BBL – survey
MANILA, Philippines - Halos kalahati ng mga Filipino ang tutol na maipasa ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula March 1-7 nasa 44 percent ng 1,200 respondents ang kontra na ipasa ang BBL.
Mahigpit na kumontra ay mula sa Mindanao.
Sa naturang bilang 21 percent ang gusto sa BBL at 36 percent ay wala pang desisyon.
Sa mga ayaw sa BBL, 16 percent dito ang matinding tumututol sa nilalaman ng panukala at 27 percent ang tumanggi na maipatupad ito.
Sa bilang ng mga pabor sa BBL, may 4 percent naman ang “strong agree” sa pagpasa ng BBL at 17 percent ang “agree.”
Ang BBL ay patuloy na naka-pending sa Kongreso.
Ang BBL ang sinasabing susi sa kapayapaan sa Mindanao subalit dahil sa naganap na pamamaslang sa 44 SAF members naudlot ang inaasahang pagpasa sa naturang panukala.
Mayorya ng Pinoy ’di pabor na magbitiw si PNoy
Samantala, sa kabila ng pagsadsad ng åapproval at trust ratings, mas marami pa ring Pilipino ang hindi sang-ayon na magbitiw sa pwesto si Pangulong Aquino.
Sa tanong kung sang-ayon ba ang mga ito o hindi na mag-resign na si PNoy ngayon, 42% ang sumagot ng hindi habang 29% ang sumagot ng oo.
Umabot naman sa 28% ang hindi tiyak.
Iniiugnay sa kontrobersya ng Mamasapano incident ang pagbulusok ng ratings ni PNoy dahil na rin umano sa kakulangan at hindi pag-ako nito ng responsibilidad sa pagkamatay ng 44 SAF commandos.
- Latest