Bayad sa mga sakramento ng simbahan di dapat pagkakitaan
MANILA, Philippines – Ang mga bayad sa sakramento ng simbahan ay hindi dapat pagkakitaan.
Ito ang pahayag ni Palo, Leyte Archbishop John Du matapos na ilang isyu ang lumutang na ilang mga simbahan umano ang pinagkakakitaan ang kanilang mga proyekto at sakramento na kinabibilangan ng pagbibinyag.
Sa nakasaad sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines news site, sinabi ni Du na ang bayad sa sakramento ng pagbibinyag ay para matustusan ang mga pangangailangan ng simbahan at hindi para sa pansariling interes ng isang indibidual.
Nabatid na dito na kinukuha ang mga pambayad sa mga administrative requirements ng simbahan kabilang na ang sahod sa mga parish staff at clergy.
Nagbabala si Du na walang sinumang parish o clergy ang maaaring gamitin ang mga bayad para sa kanilang personal na interes.
- Latest