Bulkang Taal muling nag-alburoto
MANILA, Philippines - Muli na namang nag-alburoto ang Bulkang Taal sa Batangas matapos makapagtala ng limang (5) volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng Taal na nangangahulugan ng abnormalidad na kundisyon ng bulkan at posibleng pagsabog.
Bunga nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na huwag lalapit sa bulkan dahil sa maaaring maging epekto nito sa mga tao lalu na ang toxic gases sa paligid nito.
Dagdag ng ahensiya, ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Permanent Danger Zone (PDZ) kaya bawal puntahan ng sinuman ang buong Taal island.
Ang Taal ay itinuturing na active volcano dahil sa nakalipas na pag-aalboroto nito.
- Latest