^

Bansa

K-12 kalbaryo sa mga guro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na magsisilbing kalbaryo at malaking ‘disaster’ sa panig ng mga guro kapag ipinatupad ng Deparment of Education (DepEd) ang K-to-12 program ng pamahalaan.

Ayon kay Benjie Valbuena, national chairman ng ACT, hindi pinag-aralan at pinaghandaan ng pama­halaan kung saan dadalhin ang libu-libong mga guro na mawawalan ng trabaho kapag ipinilit na ipatupad ang K-to-12 program.

Sinabi ni Valbuena, dagdag pahirap din sa mga magulang at mismong mga estudyante ang dagdag na tatlong taon sa basic education na planong i-full implementation ng DepEd sa susunod na taon.

Sa ilalim ng programa, mandatory na sa mga kabataan na pumasok muna sa kinder, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school bago mag-kolehiyo.

Sa panig naman ng DepEd, sinabi ni Sec. Armin Luistro, na tayo na lamang sa Pilipinas ang hindi nagpapatupad ng K-to-12 program kaya napag-iiwanan sa ‘requirements’ ang ating mga mag-aaral at professional kumpara sa ibang mga bansa.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ARMIN LUISTRO

AYON

BENJIE VALBUENA

DEPARMENT OF EDUCATION

INIHAYAG

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with