^

Bansa

Mar kay Junjun: Respetuhin ang Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naiintindihan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pinagdadaanan ni Makati City Mayor Junjun Binay matapos siyang suspendihin ng Office of the Ombudsman, ngunit sinabi ng kalihim na walang magagawa ang alkalde kung hindi ay sundin ito.

"Mahirap talaga ang sinapit ni Mayor Binay sa hagupit ng batas laban sa kanya – pero uulitin ko ang batas ay batas, at lahat tayo ay sakop ng batas. Kaya maipapayo ko na lang kay Mayor Binay ay bigyang panahon niya ang paghanda ng kanyang depensa," pahayag ni Roxas sa pagtanggi ni Binay na sundin ang ipinataw sa kanyang preventive suspension na magbibigay daan sa imbestigasyon sa umano'y overpriced na Makati City Hall II.

Sinabi ni Roxas na natanggap na ng kanyang opisina ang kautusan ng Ombudsman na ipatutupad kay Binay at iba pang opisyal ng lungsod ng dawit sa kaso.

Dagdag niya na bilang kalihim ng DILG ay titiyakin niyang magiging maayos pa rin ang lungsod sa kabila ng suspensyon ni Binay

"Ang pinaka importante  sa akin ay ang tuloy tuloy , regular , walang patid   na paghatid ng  serbisyo sa mga mamamayan ng Makati , kaya sisiguraduhin ko po ito.Tulad ng iba pang mga utos ng mga nakatakdang awtoridad tutuparin po ng DILG ang  utos ng Ombudsman sa maayos, propesyonal at patas na paraan," ani Roxas.

Pinabulaanan din niya ang paratang ni Binay na siya ang nasa likod ng suspensyon dahil parte ito ng paninira kay Bise Presidente Jejomar Binay na tatakbo sa susunod na taon sa pagkapangulo.

"Ang Ombudsman  ang nagdesisyon na may sapat na ebidensya para sa pagsuspindi kay Mayor  Binay.  Wala tayong lahat magagawa kundi ito ay respetuhin at ang DILG naman ay napag utusan lang ng mga husgado na ipatupad ang batas dahil kabahagi yan ang trabaho ng ahensya."

Tinalo ng nakatatandang Binay si Roxas noong 2010 national elections.

vuukle comment

ANG OMBUDSMAN

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAYOR BINAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with