^

Bansa

Apela ng kaanak ng SAF 44 sa Kamara ‘Mamasapano probe buksan’

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtungo sa Kamara ang mga kaanak ng napatay na SAF 44 para hilingin na muling buksan ang pagdinig ng Mamasapano incident.

Personal na umapela sina Felicitas de Castro Nacino, Rhodora Cordero, Erica Pabalinas, Niki Nacino at Zeny Rubio na buksan muli ang pagdinig dahil hindi sila kuntento sa isinagawang imbestigasyon ng Senado at Department of Justice (DOJ).

May mga executive sessions umano na ginawa ang Senado kaya anumang napag-usapan dito ay hindi nila alam.

Dahil dito kaya magsusumite ng resolution kay Speaker Feliciano Belmonte ang mga kongresista na ma-resume ang hearing ng Committee on Public order and Safety at Committee Peace, Reconciliation and Unity.

Matatandaan na ipinatigil ang hearing matapos batikusin dahil sa umano’y mala palengkeng pagdinig nito.

Giit naman ni minority leader Ronaldo Zamora at independent minority bloc leader Ferdinand Romualdez na hindi maaaring mag- resume ang hearing ng Bangsamoro Basic Law (BBL) hanggang hindi nabubunyag kung sino ang may kasalanan sa pagkamatay ng SAF 44.

BANGSAMORO BASIC LAW

CASTRO NACINO

COMMITTEE PEACE

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERICA PABALINAS

FERDINAND ROMUALDEZ

NIKI NACINO

RECONCILIATION AND UNITY

RHODORA CORDERO

RONALDO ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with