^

Bansa

Global APT pumalag sa paninisi ng DOTC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalag ang Global APT, ang kumpanyang nagre-repair sa mga riles at tren ng Metro Rail Transit sa umano’y paninisi sa kanila ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at publiko sa patuloy na pagkakaroon ng aberya sa biyahe na ikinaiinis ng mga pasahero ng MRT-3.

Ayon kay Emmanuel Veloso, CEO ng Global APT, noong isang taon pa nila iminungkahi sa tanggapan ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya na dapat nang palitan ang lahat ng riles sa MRT.

Sinabi ni Veloso, hindi sila dapat sisihin sa patuloy na pagkasira ng mga tren na kadalasang nagdudulot ng abala sa mga pasahero.

Aniya, kahit maglagay ng mga bagong bagon ay wala pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon ng aberya sa MRT dahil sa palpak at mahina ng riles ng tren.

“Well if the decision makers will fix the rails, replace it, wala ng problema. Whatever fingerpointing anyone will do, it will still result to the replacement of the rails,” anang opisyal.

Giit pa ni Veloso,  nagagampanan nila ang lahat ng nakasaad sa kontrata at wala silang pagkukulang sa kanilang tungkulin.

Isang opisyal ng Global APT na tumangging magpabanggit ng pangalan ang nagsabing kadalasan ay delay at pahirapang makasingil sa DOTC sa kanilang serbisyo.

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EMMANUEL VELOSO

GIIT

ISANG

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

PUMALAG

SINABI

VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with