^

Bansa

Pork whistleblower, 2 pa kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong graft sa Ombudsman ni dating Nueva Ecija vice governor Edward Thomas Joson ang isa sa pork barrel scam whistleblower na si Marina Sula, dating tauhan ng detinadong negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Bukod kay Sula, sinampahan din ni Joson ng graft sina Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali at isang Ano­ta Tansipek na umano’y nagsabwatan sa maano­malyang pagbili ng mga de-boteng pataba at irrigation pumps.

Sa 13-pahinang amen­ded complaint, giniit ni Joson na suspendihin sa tungkulin si Umali habang iniimbestigahan ang kasong ito.

Sinasabi ni Joson na si Umali ay lumabag sa Republic Act 9184 o Procurement Act o at RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Pactices Act at conspiracy.

Noong December 2005, si Umali na noon ay congressman ay pumasok umano sa isang kasunduan sa pagitan ng Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc. (Mamfi) para bumili at mamahagi ng pataba sa mga qualified farmer-beneficiaries ng distrito nito gamit ang kanyang PDAF.

Anya, ginamit ng Mamfi ang P12-milyon para ipambili ng 7,920 botelya ng liquid fertilizers para sa mga umano’y napiling benepisyaryo sa bayan ng Gabaldon at General Natividad sa Nueva Ecija.

Ang Mamfi ay isa sa mga pekeng NGO ni Napoles na pinamamahalaan ni Sula.

Ang bawat botelya ng pataba ay P50 hanggang P150 pero ginawang P1,500 kada botelya ng mga akusado.

Nakipagkasundo naman si Umali sa Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi, Inc. (AMPGI) na pinangangasiwaan ni Tansipek para sa pagbili ng irrigation pumps na may halagang P3 milyon.

Anya, umaabot lamang sa P40,000 hanggang P55,000 ang halaga ng diesel engine at water pump pero ang nailagay na halaga nito ay P120,000 bawat pares.

ANG MAMFI

ANYA

AURELIO UMALI

CORRUPT PACTICES ACT

EDWARD THOMAS JOSON

GENERAL NATIVIDAD

JOSON

NUEVA ECIJA

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with