^

Bansa

JV kay PNoy: Umamin at humingi ng tawad

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ni Sen. JV Ejercito si Pa­ngulong Aquino na aminin na ang naging pagkakamali at humingi ng tawad kaugnay sa insidente sa Mamasapano kung saan 44 miyembro ng Special Action Force ang namatay.

Ayon kay Ejercito ang pag-amin ay tatak ng isang mabuting lider katulad ng ginawa ni dating US President Ronald Reagan na humingi ng tawad sa mamamayan ng Amerika dahil sa sekretong pagbebenta ng armas sa Iran 28 taon na ang nakakaraan.

Sinabi rin ni Ejercito na ang pag-amin ng isang lider sa kanyang kasalanan ay hindi maituturing na isang kahinaan.

Naniniwala si Ejercito na magkakaroon lamang ng “closure” at mapapa­natag ang kalooban ng mga kamag-anak ng mga namatay na SAF at ma­ging ng mga mamamayan kung aamin sa kanyang kasalanan ang Pangulo.

Ginawa ni Ejerctio ang pahayag isang araw matapos absuweltuhin na naman ng Pangulo ang kanyang sarili at ibunton ang sisi kay SAF ex-Chief Getulio Napeñas.

Ipinaalala ni Ejercito kay Pangulo ang mga kataga ni Reagan sa Iran-Contra Affair scandal ng nag-sorry ito sa mga mamamayan ng Amerika, “First, let me say I take full responsibility for my own actions and for those of my administration. As angry as I may be about activities undertaken without my knowledge, I am still accountable for those activities. As disappointed as I may be in some who served me, I’m still the one who must answer to the American people for this behavior.”

Dagdag ni Ejercito na dapat tularan ng Pa­ngulo ang aksiyon ng mga da­ting lider na ikinokonsidera ang kanilang sarili na may responsibilidad sa kanilang mga nagiging pagkakamali at desisyon.

AMERIKA

AQUINO

CHIEF GETULIO NAPE

EJERCITO

IRAN-CONTRA AFFAIR

PANGULO

PRESIDENT RONALD REAGAN

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with