4 OFWs sa Libya dinukot ng armadong grupo
MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes na apat na overseas Filipino workers (OFWs) agn dinukot ng armadong kalalakihan sa Tripoli, Libya.
Sinabi ni DFA spokesperson Charles Jose na bukod sa mga Pinoy ay limang iba pa ang dinukot din ng mga hindi pa nakikilang suspek.
“No one has claimed responsibility for the abduction and the employer has not received any ransom demand,” pahayag ni Jose.
Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa VAOS Oil Services, ang pinagtatrabahuhan ng mga biktima.
“The embassy has stepped up coordination with VAOS officials and Libyan authorities to locate the abducted Filipinos and ensure their safe and immediate release,” dagdag ng tagapagsalita.
Nitong nakaraang buwan lamang ay tatlong OFWs din ang dinukot ng armadong grupo.
Patuloy ang panawagan ng DFA sa 4,000 Pinoy sa Libya na umuwi na ng Pilipinas.
Nakataas ang alert level 4 sa Libya mula pa noong Hulyo 2014 dahil sa kaguluhan.
- Latest