RC Malate Prime may Medical/Dental mission sa ISCAG School
MANILA, Philippines - Magsasagawa ngayong araw ng dental at medical mission ang Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa ilalim ng Rotary International District 3810 sa pamumuno ni Best Class President Ellen Fernando Gamotea sa Islamic Studies, Call and Guidance (ISCAG) School sa Salitran 1, Dasmarinas, Cavite.
Sisimulan ang aktibidad alas-9 ng umaga at co-host sa proyekto ang mga rotary clubs ng D-3810 na kinabibilangan ng RC Ermita Manila; RC Mabini Manila, RC Manila Taft, RC Ramon Magsaysay; RC Pasay Centro, RC Trece Martirez at RC Dasmariñas Cavite. Tatayong chairman ng proyekto si RCMP Past President Raul “Jun” De Vera at RCMP New Generations Chair Janrey Arellano bilang co-chair.
Pangungunahan ni Dr. Lance Bunnel ang dental mission kasama ang mga volunteer dentists at Jun Rosales, Phyto Pharma para sa medical mission.
Inaasahang darating si District 3810 Governor Edmond Aguilar at ilang opisyal ng distrito sa lugar upang saksihan ang libreng bunot at medical checkup para sa daan-daang batang estudyante, kanilang magulang at pamilya.
Naghanda rin ng anim na haircutters ang RCMP para sa Libreng Gupit sa mga mag-aaral at kanilang magulang o pamilya.
Highlight pa sa pagtitipon ang Charter Induction ng ISCAG Earlyact at ISCAG Interact, kung saan manunumpa ng mga bagong mga estudyanteng opisyal at miyembro na mga batang mag-aaral mula sa superbisyon ng kanilang mga guro at adviser na sina Art Dumlao at Blanda Dumlao.
Si DG Aguilar ang magsisilbing guest speaker habang inducting officer si BCP Ellen at charging officer si PP Winston Ongchinke.
- Latest