^

Bansa

Trillanes nanguna vs K-12

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang isang koalisyon ng iba’t-ibang sektor na nananawagang ipagpaliban ang pagpapatupad ng K12 program ng pamahalaan.

Inihahanda na ng koalisyon ang pagsasagawa ng malawakang “information campaign” sa buong bansa na palalakasin sa isang malaking protesta sa Mayo 9 sa Luneta Park sa Maynila. Sila ay nakatakda ring maghain ng petisyon sa Korte Suprema para sa pagpapatigil ng K12.

Kabilang sa bumubuo sa koalisyon ang mga guro, samahan ng mga nasa akademya, empleyado sa sektor ng edukasyon, mga magulang, unyon ng mga manggagawa at iba pa.

Sa ilalim ng K to 12, Program daragdagan ng dalawang taong “Senior High School” ang kasalukuyang sistema ng Primary Education. Nakapaloob din dito ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Kindergarten at 12 taong basic education - anim sa primary education, apat na taong Junior High School, at dalawang taon sa Senior High School. 

Sinabi ni Trillanes na, sa isinagawa niyang pagrepaso sa K12 at pagsangguni sa mga may kinalaman dito at sa mga maaapektuhan, lumalabas na hindi handa ang Pilipinas para sa K to 12. Sa halip, mas nararapat tawagin ang programang ito na K minus 12 (K-12) dahil sa mga problemang nakikita dito.

Kabilang anya sa mga problemang ito ang kakula­ngan sa pondo, kagamitan, silid-aralan, guro, panahon sa paghahanda, impormasyon, konsultasyon sa mga maaapektuhan ng programa, koordinasyon sa ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor, oportunidad sa mga high school na agarang makahanap ng trabaho, at kakayahan ng mga magulang na pag-aralin ng dalawa pang taon ang kanilang mga anak.

Ayon kay Professor Rene Luis Tadle, Presidente ng Coalition for K to 12 Suspension (kinabibilangan ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines (COTESCUP), nabuo umano ang koalisyon dahil “ipinakita ng resulta ng aming mga konsultasyon sa maraming bahagi ng kapuluan na hindi pa handa ang sistema ng ating edukasyon para sa programang ito.”

 

COUNCIL OF TEACHERS AND STAFF OF COLLEGES AND UNIVERSITIES

JUNIOR HIGH SCHOOL

KABILANG

KORTE SUPREMA

LUNETA PARK

PRIMARY EDUCATION

PROFESSOR RENE LUIS TADLE

SENIOR HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with