^

Bansa

2 bantay nina Bong, Jinggoy pinakakasuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa dalawang custodial officers nina Sens. Bong Revilla at Jinggoy Estrada na dumalo sa birthday party ni Sen. Juan Ponce Enrile noong Pebrero 14.

Sa dokumentong pirmado ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong, inirekomenda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kina Supt. Eulogio Fabro, chief ng PNP-Custodial Center at Sr. Inspector Cecilia Tapaoan, duty officer.

Inabsuwelto naman sa pananagutan ang sinibak na director ng Headquarters Support Service (HSS) na si P/Chief Supt. Alberto Supapo at 5 pang custodial officers kaugnay sa nakitang iregularidad sa pagpuslit nina Bong at Jinggoy sa kanilang selda.

Una nang ipinag-utos ni DILG Secretary Mar Roxas ang masusing imbestigasyon sa insidente at sinibak si Supapo upang hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon.

Noong Pebrero 14 ay nagpahatid sa emergency room ng PNP General Hospital si Bong dahil umano sa migraine nito pero pagdating sa pagamutan ay dumiretso ito sa Specialty Ward kung saan ginaganap ang birthday party ni Enrile.

Samantalang si Jinggoy na nagpahatid rin sa emergency room na idinaing naman ang pagtaas ng ‘blood pressure’ ay dumiretso rin sa Specialty Ward at ng suriin ang ‘blood pressure ‘ nito ay lumitaw na normal naman.

Sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-CIDG, tila nagsabwatan sina Fabro at Tapaoan para ayusin ang pagbisita ni Revilla at Jinggoy kay Enrile.?Lumalabas rin sa resulta ng imbestigasyon na bagaman hiningan si Supapo ng clearance nina Fabro at Tapaoan para mailabas ng PNP Custodial Center ang dalawang senador ay para lamang ito sa kanilang pangangaila­ngang medikal.

Inirekomenda rin na linisin sa pananagutan o iabsu­welto sa kaso sina Chief Inspector Duds Raymond Santos, PO2 Marlo Bello, PO2 Rico Padilla, PO2 Dennis delos Santos at PO1 Joselito Olayvar.

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

BONG REVILLA

CHIEF INSPECTOR DUDS RAYMOND SANTOS

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

CUSTODIAL CENTER

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

JINGGOY

SPECIALTY WARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with