^

Bansa

MILF kinuwestiyon ni Miriam sa Bangsamoro

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang kapangyarihan ng Moro National Liberation Front (MILF) na katawanin ang buong Bangsamoro at makipag-negosasyon para sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Naniniwala si Santiago na dapat maging malinaw kung paanong ang MILF naging kinatawan ng iba pang breakaway groups katulad ng Moro Islamic Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF). Hindi rin aniya malinaw kung sino ang may karapatan kumatawan sa mga Muslim sa teritoryong masasakop ng BBL.

Isa si Santiago sa mga senador na naniniwalang labag sa Konstitusyon ang BBL dahil magtatayo ng isang estado sa loob ng Pilipinas.

Naniniwala rin ang senador na idedeklarang uncons­titutional ng Supreme Court (SC) ang panukala kahit makalusot sa Kongreso.

Ilang senador ang nagsabing hindi maaaring ipasa ang BBL hangga’t hindi nalilinaw ang mga probisyon na hindi naaayon sa Saligang Batas.

 Payo ng senador, bumuo ng isang review committee na muling susuri sa mga probisyon ng BBL para hindi na anya mapahiya ang Palasyo.

vuukle comment

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGH

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NANINIWALA

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with